Taylor Swift conspiracies ‘nonsense’ ayon sa NFL chief
Ibinasura ni NFL commissioner Roger Goodell ang conspiracy theories na nakapalibot kay Taylor Swift, at sinabing isa iyong “kalokohan,” sa gitna ng pagsisimula ng huling countdown sa Super Bowl ngayong linggo sa Las Vegas.
Binanggit ng right-wing critics, na ang umuusbong na relasyon ni Swift at ng Kansas City Chief star na si Travis Kelce ay katibayan ng isang balakin na manipulahin ang Super Bowl at tulungang muling mahalal si US President Joe Biden.
Ang mga kakaibang teorya ay nagsalarawan sa relasyon nina Kelce at Swift bilang isang malalim na ‘psychological operation’ na idinisenyo upang ang halalan sa pampanguluhan ngayong taon ay pumabor kay Biden.
Sinabi ni Mike Crispi, isang pro-Donald Trump broadcast personality, “EVERYONE knows Taylor Swift and Travis Kelce is fake and the Super Bowl is rigged. You’re a whacko at this point if you DON’T believe it.”
Ngunit hindi ito binanggit ng National Football League (NFL) chief na si Goodell nang humarap siya sa mga mamamahayag sa Allegiant Stadium, bago ang gaganaping Super Bowl showpiece sa pagitan ng Kansas City at San Francisco 49ers sa darating na Linggo.
Sinabi ni Goodell, “Anybody in society in a public position is subject to criticism. But I think the idea that this is within a script, this is pre-planned, is just nonsense. It’s frankly not even worth talking about. For one thing, I’m not that good a scripter.”
Gayunman, binanggit ni Goodell na pabor siya sa epekto ng relasyon ni Swift kay Kelce sa paboritong sport sa America.
Simula aniya nang manood si Swift sa mga laro ni Kelce para sa Kansas City sa mga unang bahagi ng season, ay tumaas ang bilang ng mga nanonood sa telebisyon, kung saan tumaas ang ratings sa kalipunan ng mga babaeng manonood.
Ang playoff ng Kansas City Chief laban sa Baltimore Ravens ang pinakapinanood na AFC Championship game sa kasaysayan.
Sabi ni Goodell patungkol kay Swift, “She’s a remarkable performer. She’s the best of the best. The Taylor Swift effect is all positive. Travis and Taylor are wonderful young people. They seem very happy. She knows great entertainment and I think that’s why she loves NFL football. It’s great to have her part of it.”
Nitong nakalipas na Linggo, gumawa ng kasaysayan si Swift sa Grammy, makaraan niyang mapanalunan ang ika-apat niyang Album of the Year prize award.