Taylor Swift inanunsiyo ang pelikula tungkol sa kaniyang ‘massive Eras’ tour
Hindi man nagkaroon ng pagkakataong makabili ng tiket at makapanood sa “Eras” tour ni Taylor Swift, ay mayroon pang pagkakataon ang fans na ito ay masaksihan sa pamamagitan ng isang concert film na nakatakdang ipalabas sa October 13.
Ayon kay Swift, “The Eras Tour has been the most meaningful, electric experience of my life so far and I’m overjoyed to tell you that it’ll be coming to the big screen soon. “Eras attire, friendship bracelets, singing and dancing encouraged.”
Nangako ang higanteng AMC movie chain, na maipalalabas ang pelikula sa lahat ng kanilang mga sinehan sa buong Estados Unidos nang hindi bababa sa apat na beses bawat araw, tuwing Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo.
Ang mga tiket ay maaari nang mabili ngayon.
Sinabi ng kompanya, “We had upgraded our website and ticketing services to ‘handle more than five times the largest influx of ticket-buying traffic’ the Company has ever experienced before. But AMC is also aware that no ticketing system in history seems to have been able to accommodate the soaring demand from Taylor Swift fans.”
Dahil dito ay nag-abiso na ang kompanya na maaaring magkaroon ng delays at pagkaubos ng mga tiket.
Una nang nagkaroon ng isang congressional hearing hinggil sa umano’y anti-competitive practices ng Ticketmaster, nang magkaroon ng kaguluhan dahil sa kabiguan nitong makapagbenta ng tiket para sa lubhang sikat na concet tour ni Swift.
Kung ang “Eras” tickets ay nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, ang tiket para sa concert film ay nagkakahalaga lamang ng $19.89 para sa adults, at $13.13 para sa kabataan at seniors, na may dagdag na tax.
Hanggang nitong Huwebes ng umaga, nakita sa AMC website na ang opening weekend tickets sa New York area ay malapit nang maubos.
Ilang oras matapos ang anunsiyo ni Swift, ang pagpapalabas sa sequel ng Universal horror classic na “The Exorcist” ay iniurong ng isang linggo upang hindi makabangga ang concert film.
Tinapos ng 33-anyos na singer ang North American leg ng kaniyang global tour sa pamamagitan ng apat na shows sa Mexico, pagkatapos ay babalik ito sa Argentina sa Nobyembre, na may mga plano na ang tour ay paabutin hanggang sa pagtatapos ng 2024.
Dahil sa kabuuang 146 stadium concert dates, inaasahang magtatakda ng record si Swift para sa “first billion-dollar tour,” na sa pagtaya ng trade publication na Pollstar ay makapagbebenta ng nasa $14 milyong tiket bawat show.
Hindi pa iniulat ng team ni Swift ang box office numbers.
Ang kasalukuyang record-holder ay si Elton John, na ang “Farewell Yellow Brick Road” tour, na nagsimula noong 2018, ay kumita ng $939 million.