Taylor Swift, nagtakda ng women’s record para sa most number one albums
Si Taylor Swift na ngayon ang may pinakamaraming number one albums kaysa sinomang female artist sa kasaysayan, kasunod ng paglabas kamakailan ng kaniyang “Speak Now (Taylor’s Version).”
Ang record ay nag-debut sa Billboard top charts, na siyang ika-12 number one album ng pop queen at nalampasan na si Barbra Streisand para sa may pinakamarami sa mga kababaihan.
Ang 33-anyos na si Swift din ang unang nabubuhay na artist sa halos 60 taon na nagkaroon ng apat na albums sa top 10 sa magkakaparehong panahon, ayon sa Billboard. Kinabibilangan ito ng “Midnights,” “Lover” at “Folklore.”
Sinabi ng Billboard na si Swift din ang naging unang nabubuhay na artist na ang 11 albums ay tuloy-tuloy na napasama sa top 20.
Ang record-breaking feats na ito ni Swift ay nangyari habang kinakanta niya ang marami sa kaniyang best hits sa kaniyang “Eras” tour.
Ang 106-date stadium concert series ay nagsimula noong March, at kaunti na lamang para maging unang billion-dollar tour.
Ang “Speak Now” ay orihinal na lumabas noong 2010. Nangako si Swift na muli niyang ire-record ang unang anim niyang albums upang makontrol ang rights nito, isang proseso na pinayagan siyang simulan noong November 2020.
Muli rin niyang ini-record ang “Fearless” at “Red.”
Noong Oktubre, si Swift ang naging kauna-unahang artist na tuloy-tuloy na nakuha ang lahat ng 10 spots sa top US song chart matapos lumabas ang ika-sampu niyang album na “Midnights.”