Team Aklan, 3rd place sa 2020 Indonesia Open Int’l Virtual Pencak Silat Tournament
(Ulat ni eaglenews correspondent Ruth Saligumba; Photo by: Cherry May Regalado )
Nakuha ng Team Aklan ang ikatlong pwesto sa kakatapos na 2020 Indonesia Open International Virtual Pencak Silat Tournament.
Ang Pencak Silat ay isang tradition martial arts ng Indonesia.
Ang Philippine Lightning Speed Pencak Silat sa Kalibo,Aklan ang naging representante ng Pilipinas sa International Pencak Silat Virtual Contest noong Agosto 15-17 at sila rin ang nag-iisang team sa bansa na nakapasok sa Top3.
Nakakuha ng 20 medalya ang Team Aklan, 12 gold, 6 silver at 2 bronze. Ang Team Aklan ay binubuo ng nasa 30 atleta kasama ang kanilang coaches na mag-amang Freddie Jizmundo Sr. at Freddie Jizmundo Jr.
Mahigit 500a atlenta mula sa ibat-ibang bansa ang sumali sa nasabing kompetisyon.