Bagong team na mag-iimbestiga sa COVID-19 pandemic, ipinakilala ng WHO

Ipinakilala ng World Health Organization (WHO), ang isang grupo ng scientists na nais nitong mag-imbestiga sa mga bagong pathogen at mapigilan ang mga pandemya sa hinaharap, at muling ituloy ang naudlot na imbestigasyon sa pinagmulan ng Covid-19.

Ang grupo ng 26 na mga eksperto ay aatasang bumuo ng isang bagong global framework para sa pag-aaral ng origins ng lumilitaw na mga pathogen na maaaring maging epidemya o pandemya, at kabilang sa kanilang isusumite ay ang SARS-CoV-2, ang virus na nagiging sanhi ng Covid-19 disease.

Bukod sa krisis ng Covid-19, isang lumalaking bilang ng high-risk pathogens ang lumitaw o muling lumilitaw sa nakalipas na mga taon, kabilang dito ang MERS, bird flu viruses, Lassa, Marburg at Ebola.

Una nang inanunsiyo ng WHO sa mga unang bahagi ng 2021, na bubuo ito ng isang Scientific Advisory Group for the Origins of Novel Pathogens o SAGO.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus . . . “The emergence of new viruses with the potential to spark epidemics and pandemics is a fact of nature, and while SARS-CoV-2 is the latest such virus, it will not be the last. Understanding where new pathogens come from is essential for preventing future outbreaks.”

Ang 26 na miembro ng team ay pinili ng WHO mula sa higit 700 applications at kinuha mula sa iba’t-ibang scientific disciplines.

Ang grupong binuo ng WHO ay sasailalim sa dalawang linggong public consultation.

Kabilang dito si Christian Drosten, head ng Institute of Virology ng Berlin; Yungui Yang ng Beijing Institute of Genomics; Jean-Claude Manuguerra ng Institut Pasteur ng France; at Inger Damon mula sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Ilan sa mga eksperto ay kasama sa joint WHO-China scientific mission na nag-iimbestiga sa origins ng Covid-19. Ito ay sina Vladimir Dedkov, Farag Elmoubasher, Thea Fischer, Marion Koopmans, Hung Nguyen at John Watson.

Kailangan ng grupo na magbigay ng isang independent evaluation sa lahat ng available scientific at technical findings mula sa global studies sa origins ng Covid-19.

Kailangan din nitong i-advise ang UN health agency sa pagbuo, pagsubaybay at pagsuporta sa mga susunod na serye ng mga pag-aaral sa origins ng virus.

Ayon kay Maria Van Kerkhove, technical lead on Covid-19 ng WHO, agad na i-a-assess ng SAGO kung ano ang alam na ngayon, ano ang hindi pa alam, at kung ano ang kagyat na dapat gawin.

Aniya . . . “I anticipate that the SAGO will recommend further studies in China and potentially elsewhere. There’s no time to waste in this.”

Ayon naman kay Michael Ryan, emergencies director ng WHO . . . “It may be the last chance to understand the origins of this virus in a collegiate manner.”

Una nang sinabi ni Chen Xu, Chinese ambassador ng UN sa Geneva sa UN corrrespondents’ association, na ang trabaho ng SAGO ay hindi dapat mapulitika.

Please follow and like us: