Team World pinangunahan ni Tiafoe sa una nilang Laver Cup title win
Pinangunahan ni Frances Tiafoe ang Team World sa una nilang Laver Cup title, sa pamamagitan ng kaniyang apat na match points sa isang dramatic victory laban kay Stefanos Tsitsipas ng Team Europe.
Si Tiafoe ay nagpamalas ng napakahusay na laban para manalo sa score na 1-6,7-6 (13/11), 10/8 sa penultimate match ng tournament sa O2 Arena ng London.
Sapat na ito para magkaroon ang Team World ni John McEnroe ng isang 13-8 overall margin of victory, at selyuhan ang una nilang tagumpay sa kompetisyon matapos mapanalunan ng Team Europe ang unang apat na edisyon.
Sa kabila ng presensya ng Wimbledon champion na si Novak Djokovic at dating world number one na si Andy Murray sa Team Europe, nagawa pa ring palakasin nina Tiafoe at ng Canadian rising star na si Felix Auger-Aliassime ang pagbabalik ng Team World mula sa 8-4 overnight deficit.
Ang 24-anyos na si Tiafoe, at ang 22-anyos na si Auger-Aliassime, ay bahagi ng henerasyon na inaasahang aagaw sa stage na dating inokupahan ng nagretiro nang si Roger Federer, ngayong malapit na ring matapos ang tennis career nina Rafael Nadal at Andy Murray.
Sinabi ni Tiafoe, “It’s an unbelievable feeling. Our captain Jonny Mac was tired of losing, he was dropping F-bombs all week. I kept saying that this is our year. It wasn’t just me, we all showed up. It looks like I have that clutch game right now. I’m happy I get to hold the Laver Cup trophy, that’s all that mattered.”
Dahil kailangang mapanalunan ang tatlo sa apat na matches nitong Linggo, hinila ni Auger-Aliassime ang Team World pabalik sa aksiyon.
© Agence France-Presse