Teknolohiya sa pagpapasulong ng ilang Agricultural crops sa bansa dinevelop ng DOST-ITDI
Minarapat ng Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute o DOST-ITDI na gawing kapaki pakinabang ang ilang agricultural crops sa bansa gaya ng okra o lady finger.
Ayon sa nabanggit na ahensiya ng gobyerno, layunin nito na makatulong sa produksyon ng okra at makapag-ambag sa pag unlad ng socio-economic ng bansa at umangat ang local productivity nito.
Nakita ng DOST-ITDI ang potensyal ng hilaw na okra para makabuo ng okra flakes o sheet sa pamamagitan ng dehydration techniques gamit ang mga kagamitan sa pagpapatuyo tulad ng ang hot-plate, oven, at cabinet dryer.
Ayon sa DOST-ITDI, ang mga natuklap o mga sheet na nakuha mula sa raw material ng okra ay maaaring mai proseso sa isang sa masustansyang meryenda o bilang isang materyal para sa iba pang produkto tulad ng tsokolate-okra chips, tinapay, cookies, at biskwit.
Maaari din anila na maging sangkap ito para sa vegetables juices o gawing wrappers para naman sa iba pang food products na kailangang balutin.
Belle Surara