Tel Aviv, rank No. 1 sa pinakamahal na siyudad sa buong mundo para tirhan

(FILES) In this file photo taken on August 30, 2021, the sun sets over the Israeli coastal city of Tel Aviv. – Tel Aviv has supplanted Paris and Singapore as the most expensive city in the world, according to an annual study by The Economist, which points out that supply chain problems have pushed up the cost of living. (Photo by Ahmad GHARABLI / AFP)

Lumitaw sa isang napalathalang survey, na ang Tel Aviv ang pinakamahal na siyudad sa buong mundo para tirhan.

Sa unang pagkakataon, ang naturang syudad sa israel ay umakyat sa number one spot sa authoritative ranking na pinagsama-sama ng Economist Intelligence Unit (EIU).

Ang Worldwide Cost of Living Index ay pinagsasama-sama sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga presyo sa US dollars para sa mga produkto at mga serbisyo sa 173 mga siyudad.

Isa sa dahilan ng pag-akyat ng Tel Aviv sa rankings ay ang matatag nitong salapi, ang shekel, kumpara sa dolyar at maging ang pagtaas sa halaga ng transportasyon at groceries.

Ang Paris at Singapore ay nasa ikalawa at ikatlong puwesto, sinundan ng Zurich at Hong Kong sa ika-apat at ika-lima habang ang New York ang nasa ika-6 at ika-7 ang Geneva.


Pang-walo ang Copenhagen, pang-siyam ang Los Angeles at nasa ika-10 puwesto ang Osaka sa Japan.

Noong isang taon, lumabas sa survey na ang Paris, Zurich at Hong Kong ay pawang nasa unang puwesto.

Ang mga datos para ngayong taon ay kinolekta noong Agosto at Setyembre, nang ang presyo para sa freight at commodities ay tumaas at nagpapakita na ang average prices ay umakyat ng 3.5 percent sa local currency terms — ang pinakamabilis na inflation rate na naitala sa nakalipas na limang taon.

Ayon kay Upasana Dutt, pinuno ng worldwide cost of living sa EIU . . . “Social restrictions due to the coronavirus pandemic have disrupted the supply of goods, leading to shortages and higher prices. We can clearly see the impact in this year’s index, with the rise in petrol prices particularly stark.”

Sa average inflation figure ay hindi kasama ang apat na siyudad na may hindi pangkaraniwang mataas na rates. Ito ay ang Caracas, Damascus, Buenos Aires at Tehran.

Ang Tehran na kapitolyo ng Iran ay umakyat sa ika-29 na puwesto mula sa ika-79 sa rankings, nang itulak ng US sanctions ang mga presyo at magdulot ng mga kakulangan.

Ang Damascus naman ang pinakamurang siyudad para tirhan base sa rankings. (AFP)

Please follow and like us: