Templo sa Thailand, naubusan ng mga monk makaraang hindi makapasa ang mga ito sa drug test
Naubusan ng mga monk ang isang Buddhist temple sa central Thailand, matapos na hindi sila lahat makapasa sa isinagawang drug test at inalisan pa sila ng religious title.
Sinabi ng district offcial na si Boonlert Thintapthai, na apat na monks kabilang ang isang abbot o pinuno ng isang templo sa Bung Sam Phan district ng Phetchabun province, ang nagpositibo sa methamphetamine.
Ang mga ito ay dinala sa isang health clinic para sumailalim sa drug rehabilitation.
Ayon kay Boonlert, “The temple is now empty of monks and nearby villagers are concerned they cannot do any merit-making. It involves worshippers donating food to monks as a good deed.”
Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime, ang Thailand ay isang pangunahing transit country para sa methamphetamine na galing sa magulong Shan state ng Myanmar sa pamamagitan ng Laos.
Sa mga kalsada, ang methamphetamine pills ay naipagbibili ng wala pang 20 baht (o nasa $0.50).
Nitong mga nakalipas na taon, nakapagtala ng pagkakasamsam ng maraming meth ang mga awtoridad sa buong Timog-silangang Asya.
© Agence France-Presse