Temporary channel binuksan sa Baltimore harbor para tumulong sa bridge response
Binuksan ng mga awtoridad sa US na nag-aasikaso sa bumagsak na Baltimore bridge, ang una sa dalawang maliit na temporary channels para sa mga barkong tumutulong sa pagllinis sa lugar ng sakuna.
Sinabi ng mga opisyal na ang mga channel na ito sa simula ay bubuksan lamang sa mas maliliit na sasakyang-dagat na kasangkot sa operasyon ng paglilinis sa Francis Scott Key Bridge, at hindi magiging sapat ang laki upang payagan ang mga barkong pangkargamento at container ship na dumaan.
Ang una sa mga channel na ito ay binuksan nitong Lunes, at ang ikalawa, na isang bahagyang mas malalim na channel ay bubuksan sa mga susunod na araw, ayon kay Maryland governor Wes Moore.
Sinabi ni Moore sa mga mamamahayag, “The opening of the temporary route will help us to get more vessels in the water around the site of the collapse.”
Aniya, “This will allow more workers to pitch in toward the mammoth task of clearing the harbor of the bridge, which was destroyed in seconds last Tuesday when an out-of-control cargo ship struck it, killing six people.”
Umaasa ang mga awtoridad na ang pagtatanggal sa tulay sa pamamagitan ng paunti-unting pagputol at pagkatapos ay pag-aangat dito, ay makatutulong sa rescuers na marekober ang bangkay ng lahat ng mga biktima at kalaunan ay mabuksan na ang mahalagang shipping lane.
Sinabi ni US Coast Guard rear admiral Shannon Gilreath, na dalawang transit ang naka-iskedyul sa unang channel nitong Lunes ng gabi para sa “mga barge at tugs” upang pumasok at lumabas sa Port of Baltimore para makapagdala ng mga kagamitan.
The first of two planned temporary channels for vessels involved in the clean-up operation opened on Monday
Inanunsiyo ng Whte House, na sa Biyernes ay nakatakdang bumisita ni President Joe Biden sa port city, na humigit-kumulang 40 milya (64 kilometro) sa hilaga ng Washington.
Sa pahayag ng multi-agency task force na nangangasiwa sa operasyon, sinabi nito na ang unang temporary channel ay may lalim na hindi bababa sa 11 talampakan (3.4 metro), isang 264-foot horizontal clearance at vertical clearance na 96 feet.
Sinabi ni US Coast Guard petty officer Carmen Caver, “This temporary channel is not big enough for any container or cargo ships to pass through. They’re working on a plan to make it slowly open to more and more people.”
Ayon sa Maryland state figures, ang Baltimore port ay isang ‘key hub’ para sa auto industry, kung saan halos 850,000 autos at light trucks ang nagawa nitong i-handle noong isang taon, higit kaysa alinmang US port.
Nangunguna rin ito para sa farm at construction machinery, maging sa imported sugar at gypsum, at ikalawa naman para sa coal exports.
Sinabi ni Moore, “The operation to recover the missing bodies and to reopen the port to larger vessels has been hampered by the challenge of diving around the structure.”
Aniya, “We’re talking about water that is so murky and so filled with debris that divers cannot see any more than a foot or two in front of them. We have to move fast, but we cannot be careless.”