Tennis great Boris Becker hinatulan ng 2 1/2 taon sa bilangguan dahil sa bankruptcy charges

Former tennis player Boris Becker arrives at Southwark Crown Court in London on April 29, 2022. Former tennis star Boris Becker was found guilty by a British court of charges relating to his 2017 bankruptcy. The six-time Grand Slam champion, 54, was convicted over his transfer of huge amounts of money from his business account, failing to declare a property in Germany and concealing 825,000 euros ($866,500) of debt and shares in a tech firm.
Adrian DENNIS / AFP

Makukulong ng dalawa at kalahating taon ang dating tennis star na si Boris Becker, matapos mapatunayang guilty ng isang korte sa Britanya sa mga kasong may kaugnayan sa inihain niyang bankruptcy noong 2017.

Ang 54-anyos na anim na beses naging Grand Slam champion, ay nahatulan sa Southwark Crown Court sa London kaugnay ng paglilipat ng malaking halaga ng salapi mula sa kaniyang business account. 

Nabigo rin siya na ideklara ang isang pag-aari niya sa Germany at itinago ang 825,000 euros ($866,500) ng debt at shares sa isang tech firm.

Napawalang sala siya sa mga unang bahagi ng Abril sa 20 pang mga kaso, kabilang ang nine counts ng pagkabigong isuko ang mga tropeo at mga medalyang kaniyang napanalunan sa panahon ng kaniyang kasikatan bilang tennis player.

Sinabi ni Becker sa jurors na hindi na niya alam kung nasaan ang nabanggit na mga memorabilia, kabilang ang dalawa sa tatlo niyang Wimbledon men’s singles trophies.

Sa kaniyang pagbasa sa hatol ng hukuman, sinabi ni Judge Deborah Taylor kay Becker . . . “You have not shown remorse, acceptance of your guilt and have sought to distance yourself from your offending and your bankruptcy. While I accept your humiliation as part of the proceedings, there has been no humility.”

Ayon kay Taylor, ang conviction ni Becker sa Germany kaugnay ng tax offences ay isang “significant aggravating factor”.

Si Becker ay hindi nagpakita ng anomang emosyon habang binabasahan ng sentensiya. Wala ring kagyat na impormasyon kung aapela ba ito o ku-kuwestiyunin ang hatol habang nakakulong.

Please follow and like us: