Tennis star na si Novak Djokovic, hinaharass ng Australia ayon sa pangulo ng Serbia
Makaraang makansela sa ikalawang pagkakataon ang visa ng world No. 1 tennis player na si Novak Djokovic, ay hindi na nakapagtimpi pa ang pangulo ng Serbia.
Sa kaniyang social media post ay kinuwestyon ni Serbian President Aleksander Vučić kung bakit hinaharass ng Australian government si Djokovic, at kung kailangan ba aniya iyong gawin para lamang sila manalo.
Aniya . . . “If you wanted to forbid Novak Djokovic to win the (Australian open) trophy for the 10th time, why didn’t you return him immediately, why didn’t you tell him that it was impossible to get a visa? Why do you harass him, why do you mistreat him, as well as his family and (a) nation that is free and proud?”
Si Djokovic ay nakatakdang sumailalim sa interview sa Immigration bago muling i-detain, makaraang hamunin ng kaniyang mga abogado ang desisyon ni Australian Immigration Minister Alex Hawke.
Ayon pa kay Vučić . . . “We will fight for Novak Djokovic and the fact that you will harass him for a day, two or five more will not change the sentiments of our people towards the people of Australia that we highly respect and appreciate, but also our opinion about Novak Djokovic.”
Ang Serbian world No. 1 player na hindi pa bakunado, ay isa sa mga pinaka-high profile COVID-19 vaccine skeptics. Gumamit siya ng medical exemption para makapasok sa Australia upang lumahok sa Australian Open at subukang makuha ang kaniyang ika-21 Grand Slam title.