Tent ipapamahagi bilang temporary home ng evacuees ng Marawi City
Magbibigay ang gobyerno ng mga family sized tent sa mga pamilyang mula Marawi habang sinagagawa ang rehabilitation sa lugar.
Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, bibigyan ng gobyerno ang bawat isang pamilya na nasa evacuation centers.
Sa ngayon, nasa mahigit 69,434 pamilya ang nasa iba’t ibang evacuation center.
Sinabi ni Taguiwalo, kayang mag-acommodate ng walong tao at may bintana pa ang ipamamahaging tent.
Dagdag pa ni Taguiwalo, makakakuha naman ng ₱1,000 cash assistance ang Muslim evacuees para may pambili sila ng pagkain pagkatapos ng kanilang Ramadan fasting.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
Please follow and like us: