Termination of hostilities sa Marawi City, isusunod ng Malacañang matapos mapatay ng militar sina ISIS Abu Sayaff leader Isnilion Hapilon at Maute leader Omar MauteISNILON HAPILON AT MAUTE LEADER OMAR MAUTE
Matapos makumpirma ng Malakanyang na patay na sina ISIS at Abu Sayaff Leader Isnilon Hapilon at Maute Leader Omar Maute isusunod na ng Malakanyang ang termination of hostilities sa Marawi City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella uumpisahan din agad ng gobyerno ang massive rehabilitation ng Marawi City na nawasak ng digmaan na tumagal ng halos limang buwan.
Ayon kay Abella sa sandaling matapos din ang mopping up at clearing operations unti-unti ng maibabalik sa normal ang lungsod ng Marawi.
Sina Hapilon at Omar ay napatay ng militar sa isinasagawang final push para tuluyan ng mabawi ang Marawi City sa kamay ng mga teroristang Maute group.
Ulat ni Vic Somintac