Testigo sa Atio Castillo hazing case na si Marc Anthony Ventura pinanumpaan sa DOJ panel ang kaniyang sinumpaang salaysay
Muling binuksan ng DOJ ang pagdinig nito kaugnay sa Atio Castillo hazing slay case.
Pinanumpaan ni Aegis Juris member Marc Anthony Ventura sa DOj panel of prosecutors ang kanyang salaysay na una na niyang isinumite sa witness protection program ukol sa pagkamatay ng ust freshman law student sa initiation rites ng kanilang fraternity.
Sa kanyang sinumpaang salaysay, ikinuwento ni Ventura ang mga pananakit na sinapit ni Atio sa kamay ng mga Aegis Juris fratmen bilang bahagi ng hazing rites sa pagsali sa fraternity noong September 17, 2017.
Itinakda naman ng DOJ ang susunod na pagdinig sa Enero a bente dos para sa pagsusumite ng komento ng mg partido sa kaso.
Ayon kay Assistant State Prosecutor Susan Villanueva, iyon na rin ang huling hearing bago ideklarang submitted for resolution ang kaso.
Dumalo sa pagdinig ang mga magulang ni atio na sina Horacio the second at Carminia.
Humarap din sa hearing ang pangunahing suspek sa kaso na si John Paul Solano.
Nagpahayag ng pagtutol ang kampo ni Solano sa muling pagbubukas ng kaso dahil noong Nobyembre ng nakaraang taon pa raw submitted for resolution ang reklamo.
Ikinatuwa naman ng mga magulang ni Atio ang reopening ng pagdinig dahil pormal nang naisama sa records ang salaysay ni Ventura.
Nagpasalamat din sila kay Ventura dahil sa paglalakas ng loob na magsabi ng katotohanan sa nangyari sa kanilang anak.
Ulat ni Moira Encina