Testing ng HIV vaccine gamit ang mRNA technology, nagsimula na

Inihayag ng biotech firm na Moderna at ng International AIDS Vaccine Initiative (IAVI), na nagsimula na ang testing sa tao ng isang HIV vaccine gamit ang RNA technology.

Ang Phase 1 ng trial ay isinasagawa na sa Estados Unidos, at kinabibilangan ng 56 na malulusog na adults na HIV negative.

Sa kabila ng apat na dekadang pananaliksik, hindi pa nakakadevelop ang mga doktor ng isang bakuna na poprotekta sa mga tao laban sa virus na nagiging sanhi ng AIDS, na ikinasasawi ng libu-libong katao sa buong mundo kada taon.

Ang goal ng bakuna na isasailalim sa testing ay i-stimulate ang produksiyon ng isang uri ng antibody na tinatawag na “broadly neutralizing antibodies” o bnAbs, na maaaring lumaban sa maraming variants ng HIV.

Ang bakuna ang magtuturo sa B lymphocytes na bahagi ng immune system, na gumawa ng naturang antibodies.

Sa nabanggit na trial, ang mga participant ay bibigyan ng immunogen, isang substance na makapagti-trigger ng immune response at pagkatapos nito ay isang booster immunogen.

Ang nasabing mga substance ay idi-deliver sa pamamagitan ng mRNA technology.

Ayon sa Moderna at IAVI . . . “The induction of bnAbs is widely considered to be a goal of HIV vaccination, and this is the first step in that process.”

Wika naman ni David Diemert, lead investigator sa George Washington University sa US capital na isa sa apat na sites kung saan ginagawa ang trial . . . “Further immunogens will be needed to guide the immune system on this path, but this prime-boost combination could be the first key element of an eventual HIV Immunization regimen.”

Ang immunogens na ginamit sa trial ay dinivelop ng IAVI at ng Scripps Reswarch Institute, na suportado ng Bill & Melinda Gates Foundation, US National Institute of Allergy and Infectious Diseases at ng Moderna.

Pahayag ng Moderna-IAVI . . . “Given the speed with which mRNA vaccines can be produced, this platform offers a more nimble and responsive approach to vaccine design and testing.”

Ayon naman kay IAVI CEO Mark Feinberg . . . “The search for an HIV vaccine has been long and challenging, and having new tools in terms of immunogens and plarforms could be the key to making rapid progress toward an urgently needed, effective HIV vaccine.”

Please follow and like us: