Thailand Foreign Affairs Minister, bibisita sa Pilipinas
Darating sa bansa sa Hulyo 4 para sa official visit ang Foreign Affairs Minister ng Thailand na si Maris Sangiampongsa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ang unang pagbisita sa Pilipinas ni Foreign Minister Maris mula nang maitalaga sa puwesto noong Mayo, 2024.
Ayon sa DFA, makakaharap ng Thai official si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at pag-uusapan ng dalawa ang regional at international issues kabilang na ang mga usapin sa South China Sea, Myanmar at Gaza.
“During the visit, Secretary Enrique A. Manalo and Foreign Minister Maris will discuss bilateral areas of cooperation, including the proposed convening of the 6th Meeting of the Philippines-Thailand Joint Commission on Bilateral Cooperation, as well as regional and international issues of common concern, including the situation in the South China Sea, Myanmar, and Gaza ” pahayag ng DFA.
Inaasahang tatalakayin din ang panukalang pagpapatawag ng ika-anim na pagpupulong ng Philippines-Thailand Joint Commission on Bilateral Cooperation.
Napapanahon anila ang pagbisita sa Pilipinas ni Maris dahil ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-75 taon ng bilateral relations ng Thailand at Pilipinas.
Moira Encina-Cruz