“The Fall Guy” ni Ryan Gosling nanguna sa N.America moviegoers
Nanguna sa North American box office ang bagong action film ng Universal na “The Fall Guy,” na kumita ng tinatayang $28.5 million.
Ang pelikula na nakabatay sa isang serye sa TV noong 1980s, mula sa stuntman na naging direktor na si David Leitch ay kinatatampukan ng nakamamanghang action sequence, kabilang ang isang record stunt na na-certify na ng Guinness.
Nakinabang din ang pelikula sa star power ng Oscar nominees na sina Ryan Gosling at Emily Blunt.
Tinawag ng mga analysts na nakadidismaya ang opening ng pelikula kung pagbabatayan ang $130 million production cost nito, ngunit para kay David A. Gross ng Franchise Entertainment Research, “It is a potential start of an action comedy series.”
Pumangalawa naman ang “Star Wars: The Phantom Menace” ng Disney at Lucas film na kumita ng $8.1 million, na hindi inaasahan para sa re-release ng isang 25-taong gulang nang pelikula, na maaari na rin namang mapanood sa bahay at hindi rin ang siyang pinakapopular sa “Star Wars” franchise.
Bida rito sina Liam Neeson, Ewan McGregor at Natalie Portman.
Bumagsak naman sa ikatlong puwesto ang nangunang pelikula noong isang linggo, ang MGM tennis-based romance na “Challengers,” na kumita ng $7.6 million para sa Friday-through-Sunday period.
Ang singer/actor na si Zendaya ang gumanap sa papel ng isang tennis star na nagretiro na makaraang magtamo ng isang injury, at kalaunan ay tinulungan ang kaniyang asawa (na ginampanan ni Mike Faist) na maghanda para sa isang “key match” laban sa dati niyang lover at kaibigan ng kaniyang asawa na ginampanan naman ni Josh O’Connor.
Ang pang-apat na puwesto ay napunta sa isang bagong horror film, ang “Tarot” na mula sa Sony at Screen Gems, na kumita ng $6.5 million.
Ayon sa Variety, “While critics’ reviews have been poor, the film ‘leaves no horror cliche unturned.’ The film cost just $8 million to make, so producers shouldn’t be having nightmares.”
Pang-lima ang ‘“Godzilla x Kong: A New Empire,” ng Warner Bros. na kumita ng $4.5 million sa ika-anim na linggo na nitong pagpapalabas. Ang pelikula ay mayroon nang domestic earnings na $188 million at dagdag na $337 million globally.
Ayon kay Gross, “Looking back, April was a “rough” month for Hollywood, with the domestic box office down 48 percent from the three pre-pandemic Aprils.”
Aniya, “There’s no way to make this pretty. The industry is still suffering the aftereffects of last year’s strikes.”
Narito naman ang mga pelikulang kukumpleto sa top 10:
“Civil War” ($3.6 million)
“Unsung Hero” ($3 million)
“Kung Fu Panda 4” ($2.4 million)
“Abigail” ($2.3 million)
“Ghostbusters: Frozen Empire” ($1.8 million)