‘The Flash’ nanguna sa box office ngunit hindi naabot ang tinayang kikitain nito
Nanguna sa takilya ang “The Flash” ng Warner Bros. sa opening weekend nito na dominado ng spin-offs at sequels.
Subalit $55.1 million lamang ang kinita ng live-action DC Comics superhero movie, na ayon sa mga analyst ay “lubhang mababa” kaysa tinayang kikitain nito sa kaniyang debut.
Si Ezra Miller ang bida rito na gumanap sa papel ng speedy protagonist, kasama ng iba pang DC characters gaya ni Supergirl at Batman. Tinalo nito ang pinakahuling “Transformers” installment mula sa Paramount, na siyang nanguna sa nakaraang weekend.
Pumangalawa naman nitong weekend na siya rin nitong opening weekend ang “Elemental,” isang animated immigrant fable mula sa Pixar, na kumita ng $29.5 million.
Ang set ng unang orihinal na bagong pelikula ng Pixar na ipinalabas sa mga sinehan simula nang mag-umpisa ang pandemya ay ang fantastical na Element City – kung saan ang mga residenteng apoy, tubig, lupa at hangin ay kailangang matutong manirahan ng magkakalapit sa kabila ng kanilang “highly combustible differences.”
Mula sa limang highest-earning films nitong weekend, ang iba pang mga pelikula ay may mga karakter na pamilyar na sa henerasyong ito ng mga manonood.
Ang “Spider-Man: Across the Spider-Verse” ng Sony ay kumita ng $27.8 million, kaya umabot na ang total domestic earnings nito sa higit $280 million, bukod pa sa dagdag na $209 million international earnings nito.
Ang pelikula, na isang sequel sa 2018 “Spider-Man: Into the Spider-Verse” at pinakabagong offer ng Marvel Comics superhero, ay tungkol sa istorya ng half-Black, half-Latino na si Miles Morales, na ginamitan ng eye-popping blend ng decades-old 2D comic book drawing techniques at pinakabagong computer-generated visual effects.
Nahulog naman sa ika-apat na puwesto ang “Transformers: Rise of the Beasts,” na kumita ng $20 million, na dagdag pa sa $103.6 million na kinita na nito.
Ang “The Little Mermaid,” ng Disney, na isang live-action remake ng 1989 animated tale ng isang underwater princess na ipinagpalit ang kaniyang tinig sa paghahanap ng tunay na pag-ibig, ay kumita ng $11.6 million. Mayroon na ito ngayong kita na nasa $253.5 million.
Narito naman ang kukumpleto sa top 10:
“The Blackening” ($6 million) – No. 6
“Guardians of the Galaxy Vol. 3” ($5 million) – No. 7
“The Boogeyman” ($3.8 million) – No. 8
“Fast X” ($1.6 million) – No. 9
“Asteroid City” (limited release, $790,000) – No. 10