The Hague Academy of International Law may alok na advanced courses sa international law sa bansa
Sinimulan na ng The Hague Academy of International Law (THAIL), ang dalawang linggong advanced programme courses sa private at public international law sa bansa.
Inimbitahan ng Korte Suprema at ng Philippine Judicial Academy (PHILJA) ang The Hague Academy, para magsagawa ng nasabing professional training course sa international law.
Courtesy SC PIO
Ayon kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, napapanahon ang advanced courses training dahil sa dumaan sa matinding pagbabago ang international legal system sa mga nagdaang taon.
Courtesy SC PIO
Sinabi ni Gesmundo na dapat taglayin ng legal practitioners hindi lamang ang husay sa domestic law kundi pati sa international law.
Courtesy SC PIO
Sa harap na rin ito ng mga pandaigdigang isyu tulad ng boundary disputes, digital
commerce, cybercrime, human trafficking, at terorismo.
Courtesy SC PIO
Magtatagal ng hanggang Marso 1 ang training program sa Tagaytay City, na nilahukan ng halos 300 mahistrado, hukom at court attorneys mula sa Supreme Court, Department of Foreign Affairs, Department of Justice, Office of the Solicitor General, at sa academe.
Moira Encina