“The Marvels” hindi maganda ang naging opening
Gumawa ng kasaysayan ang bagong superhero film na “The Marvels,” pero ika nga ay “not in a good way,” dahil bagama’t nanguna ito sa North America matapos kumita ng tinatayang $47 million nitong weekend, ito ang pinakamababang debut para sa isang pelikula mula sa Marvel Cinematic Universe ng Disney na normal na lubhang malaki ang kinikita sa opening.
Ayon sa isang analyst, “This opening is an unprecedented Marvel box office collapse. Second superhero episodes normally outperform the originals, but this one is down 67 percent from its predecessor, “Captain Marvel,” and has a long way to go to recoup its $220 million production cost.”
Hindi naman malinaw aniya kung ang nangyari ay isang maliwanag na senyales na ang mga manonood ay nakararanas na ng ‘superhero fatigue,’ matapos ang napakarami nang matagumpay na blockbusters.
Sinabi pa ng naturang analyst, “Several factors are hurting such films in the theaters, including the growth of streaming services and the recently ended actors’ strike (“Marvels” stars led by Brie Larson were unable to do promotional work) — as well as a slew of ‘unimaginative and bad movies’ across the genre.”
Ang “The Marvels,” na isang komplikadong sci-fi tungkol sa quantum entanglement, “jump points” at mga butas sa kalawakan, ay pinagbibidahan din ni Teyonah Parris at Iman Vellani.
Samantala, pumapangalawa naman ang “Five Nights at Freddy’s” mula sa Universal Pictures at Blumhouse Productions, na kumita ng tinatayang $9 million. Pinagbibidahan ito ni Josh Hutcherson.
Malaki pa rin ang kinita bagama’t pumangatlo na lamang ngayon ang “Taylor Swift: The Eras Tour” ng AMC Theaters. Ang concert film sa kabuuan ay mayroon nang domestic earnings sa loob ng limang linggo na umaabot na ngayon sa $172.5 million.
Pasok naman sa pang-apat ang biopic ng A24 na “Priscilla,” na kumita ng $4.8 million, halos kapantay ng kinita na $5 million noong nakaraang linggo. Sa direksiyon ni Sofia Coppola, tungkol ito sa naging masalimuot na relasyon ni Elvis at Priscilla Presley, mula sa una nilang pagkikita noong si Priscilla ay 14 anyos pa lamang at si Elvis naman ay 24.
Si Cailee Spaeny, na gumanap sa papel ni Priscilla ay nagwagi ng best actress award sa Venice Film Festival.
Nasa ika-limamng puwesto ang history-based epic ni Martin Scorsese na “Killers of the Flower Moon” na kumita ng $4.7 million. Ang Paramount drama ay pinagbibidahan nina Leonardo DiCaprio, Robert De Niro at Lily Gladstone.
Narito naman ang kukumpleto sa top 10:
“The Holdovers” ($3.2 million)
“Journey to Bethlehem” ($2.4 million)
“Paw Patrol: The Mighty Movie” ($1.8 million)
“Radical” ($1.8 million)
“The Exorcist: Believer” ($1.2 million)