“The Way of Water”, napanatili ang pangunguna sa North American box office
Sa loob ng limang sunod na linggo, ay napanatili ng “Avatar: The Way of Water” ang pangunguna sa North American box office matapos kumita ng tinatayang $38.5 milyon sa mahabang holiday weekend o kabuuang $570 milyon, bukod pa sa international earnings nito na $1.33 billion.
Ayon sa report, ang “The Way of Water”, na sequel sa 2009 top grosser na hindi rin nalampasan, ay posibleng maging unang pelikula na kikita ng $2 billion “worldwide” mula nang tumama ang COVID-19.
Nasa ikalawang puwesto naman sa apat na araw na Martin Luther King, Jr., weekend ang scary-doll thriller na “M3GAN,” mula sa Universal at Blumhouse, na kumita ng tinatayang $21.2 million.
Third place pa rin ang family-oriented “Puss in Boots: The Last Wish,” ng Universal na isang animated “Shrek” spinoff, na kumita ng $17.3 million.
Pang-apat ang “A Man Called Otto”, na kumita ng $15 million. Ang Sony film, na isang feel-good adaptation ng Swedish novel na “A Man Called Ove”, ay pinagbibidahan ni Tom Hanks.
Ang isang bagong Lionsgate release naman ang nasa ika-limang puwesto. Ang action-thriller na “Plane”, na kumita ng $11.6 million. Tampok dito si Gerard Butler bilang isang piloto na kinailangang makipag-partner sa isang convicted killer na ginagampanan ni Mike Colter, upang protektahan ang mga pasahero makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa isang liblib na kagubatan sa Pilipinas na kontrolado ng armed militias.
Narito naman ang kukumpleto sa top 10:
“House Party” ($4.5 million)
“Black Panther: Wakanda Forever” ($2.6 million)
“The Whale” ($1.8 million)
“Whitney Houston: I Wanna Dance With Somebody” ($1.4 million)
“Waltair Veerayya” ($1.2 million)
© Agence France-Presse