“The Woman King” nanguna sa N. American box office
Nanguna sa North American box office ang “The Woman king,” isang epic tungkol sa all-female army ng African warriors, na tinatayang kumita ng $19 million.
Ang bagong release ng Sony, na nakabatay sa tunay na makasaysayang episode, ay pinagbibidahan ng Oscar-winner na si Viola Davis bilang ang mabangis na heneral na namumuno sa isang hukbo na kilala bilang Agojie, na pinoprotektahan ang ika-18 siglong kaharian ng Dahomey.
Una nang sinabi ni Davis, “I felt ‘conflicted’ because if the Black-led, woman-dominated film fell short, it would unfairly damage the prospects for future such endeavors.”
Kabaligtaran naman ito ayon sa FranchiseRe website na nagsabing, “boosted by a favorable critical reception — Reviews are sensational, it exceeded analysts’ expectations, more than tripling the ticket sales of the next-highest finisher, 20th Century’s Barbarian.”
Ang “Barbarian” ay kumita ng $6.3 million para sa Friday-Sunday period. Isa itong horror film na nagkukuwento ng istorya ng isang babae (Georgina Campbell), na nag-check in sa isang AirBnB rental sa isang Detroit neighborhood ngunit natuklasang naka-book din pala rito ang “napaka creepy” na si Bill Skarsgard.
Nasa ikatlong puwesto ang slasher film, na “Pearl,” isang bagong low-budget release mula sa A24, na ang ticket sales ay lampas lamang ng kaunti sa $3.1 million. Ang pelikula na pinagbibidahan ni Mia Goth, ay kinasasangkutan ng brutal na paggamit ng palakol at pitchfork sa mga hayop at tao.
Pumang-apat naman ang comic mystery ng Searchlight na “See How They Run,” na kumita ng $3.1 million sa opening weekend nito. Bida rito sina Sam Rockwell, Saoirse Ronan, at Adrien Brody.
Pasok sa ika-limang puwesto ang Sony action thriller na “Bullet Train,” ni Brad Pitt, na kumita ng $2.5 million.
Narito naman ang kukumpleto sa Top 10:
“Top Gun: Maverick” ($2.2 million)
“DC League of Super-Pets” ($2.2 million)
“The Invitation” ($1.7 million)
“Minions: The Rise of Gru” ($1.3 million)
“Moonage Daydream” ($1.2 million)
© Agence France-Presse