Theft-free Village

 

Ang Eibenthal ay isang Idyllic village na nasa Banatului mountains ng Western Romania.

Karamihan ng mga nakatira rito ay mga Ethnic Czechs.

Naging stand out ito sa iba pang mga village sa lugar dahil ang komunidad na ito ay walang magnanakaw.

Ang mga tao sa Mehedinti County sa Eibenthal ay kilala sa pagiging peaceful at may galang sa bawat isa.

Komportable ang mga residente sa village na ito na maglagay ng pera sa loob ng bag at iwan itong nakasabit sa mga lamp post o bakod ng kanilang mga bahay.

Pgkatapos sila ay magpupunta na sa bukid o kaya ay gagawa ng gawaing bahay.

Pagdating ng bread delivery man ay kukunin nya ito at iiwan naman ang supply ng tinapay depende sa request ng may-ari, kasama na ang sukli.

Sa nakalipas na 20-taon ay wala pang napaulat na nawalang pera o tinapay.

Ayon sa local preacher sa lugar, marami siyang pag-aaring mahahalagang bagay na naroon lang sa kaniyang garahe, na lagi namang nakabukas.

Subali’t sa loob ng 13 taon niya sa Eibenthal ay wala pang nawalang gamit sa kaniya, at hindi rin siya nakabalita ng insidente ng nakawan.

Aniya, may respeto ang mga taga Eibenthal sa pag-aari ng isa’t-isa, at hindi sila tumatapak sa bakuran ng bawat isa nang walang permiso. tinatawag nila ang may-ari ng bahay mula sa gate, at papasok lamang sila kung aanyayahan.

Dahil dito, walang Police station sa Eibenthal dahil hindi naman kailangan.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *