Theta variant, inalis na sa listahan ng variant of interest ng WHO
Inalis na sa listahan ng mga variant of Interest ng World Health Organization ang Theta o P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Eva Dela Paz, Executive Director ng UP-National Institutes of Health, sa ngayon ay inilagay na ng WHO ang Theta variant sa Alerts for Further Monitoring.
Ang Theta Variant aniya ay sinasabing nakakapagpataas ng resistance sa pagneutralize ng antibodies at may potensyal na maging mas nakakahawa.
Pero ayon sa Department of Health, walang sapat na ebidensya na makapagpapatunay na may epekto ang Theta variant sa galaw ng virus.
Sa datos ng DOH hanggang noong Hulyo 4 , may 166 theta cases na naitala sa bansa.
Ang 163 dito ay nakarekober na ang dalawa ay nasawi habang may isa naman ang aktibong kaso.
Madz Moratillo