‘Thriller’ ni Michael Jackson, 40 na
Pinaghalong rock, pop at RnB na hindi pa nagawa noon, ang “Thriller” ni Michael Jackson na 40 taon na, ang naging pinakamatagumpay na album sa lahat ng panahon, at siya ring nagtakda sa paparating na “era” dahil sa audiovisual ambition nito.
Ang “Thriller” ay nakabenta ng higit sa 100 milyong kopya sa buong mundo mula nang ipalabas ito noong Nobyembre 30, 1982. Ito ang nagluklok kay Jackson para maging “King of Pop,” at namalaging isang musical lodestone.
Ang kaniyang musika sa kasalukuyan ay ranked 60 sa buong mundo sa Spotify na may 36.7 million monthly streams.
Napakalaki rin ng dapat ipagpasalamat sa tagumpay ng “Thriller” sa producer nito na si Quincy Jones, na nakatrabaho ni Jackson sa “Off The Wall” noong 1979.
Sinabi ni Olivier Cachin, may-akda ng dalawang libro tungkol kay Jackson, “The record company didn’t want Quincy for ‘Off The Wall’. They took a dim view of this producer from the jazz world — music that sold peanuts in the eyes of the industry.”
“But the collaboration saw sparks fly — literally on one occasion,” ayon kay Jones. “When we were finishing ‘Beat It’… we were working five nights and five days, with no sleep. And at one point, the speakers overloaded and caught on fire!”
Sa “Thriller” ay nagsimulang hatakin ni Jackson ang mga impluwensya mula sa iba’t ibang kultura ng pop, kasama ang hard rock solo ni Eddie Van Halen sa “Beat It,” at pop ballad na “The Girl is Mine” kasama si Paul McCartney.
May mga pioneering rap rhythm sa “Wanna Be Startin’ Somethin’” at isang sample mula sa “Soul Makossa” ng saxophonist na si Manu Dibango (na nakakolekta ng malaking pay-out matapos mabigo ang team ni Jackson na makakuha ng authorization).
Noong una, nabigo ang record na makapasok sa bagong tatag na MTV channel, na tumangging ipalabas ang video para sa megahit na single na “Billie Jean,” sa kadahilanang hindi “angkop” ang black music sa white-dominated rock programming nito.
Ayon kay Cachin, “The boss of Jackson’s parent label at CBS, Walter Yetnikoff, ‘threatened to publicly denounce MTV as huge racists’ and block their access to videos of rock artists in its catalogue.”
Nanalo si Yetnikoff sa laban, ngunit kay Jackson naman siya nagkaroon ng hidwaan kaugnay ng mga plano para sa isang milyong dolyar na video para sa huling single ng album, ang title track na “Thriller.”
Nais kasi ni Jackson na makatrabaho ang director na si John Landis, dahil sa naibigan niya ang pelikula nito na “An American Werewolf in London,” habang para kay Yetnikoff ay wala nang saysay ang plano dahil ang album ay number one na. “But Michael had a vision, and he was stubborn,” ayon kay Cachin.
Ang resultang 14 na minutong mini-film ay ipinalabas sa isang sinehan sa Hollywood, sa isang “star-packed crowd” na nakatulong sa muling pagpapasigla sa benta ng album.
Aniya, “Not only did it see Jackson turn into a werewolf and bring the living dead out of their graves, but it launched a whole new branch of the music business — extravagant and ambitious videos that came to define the next two decades of pop culture.”
© Agence France-Presse