Thyroid Cancer Awareness Week, ginunita; Mga Eksperto hinikayat ang publiko na agad magpasuri kung nararanasan ang pananakit ng leeg at lalamunan
Ginunita ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism o PSEDM ang Thyroid Cancer Awareness Week.
Tema ng pagunita ay “Marka ng Laban, Marka ng Panalo: Thyroid Cancer sa Panahon ng Pandemya”
Kasama ang Philippine College of Physicians o PCP, at ang Philippine Thyroid Cancer Survivors Incorporated, hinihikayat ang mga Pilipino na huwag balewalain ang naturang sakit, sa halip mas mainam na magpa -check up o magpa-eksamin.
Dr. Arriane Sy Umali, Endocrinologist, Fellow, PSEDM
“So base po dun sa eksaminasyon at history ninyo, magre-request na kami ng mga test. So, ano yung mga test na ito, we usually request for blood test, para makita namin kung ano yung function, kung paano tumatakbo or gumagana iyong inyong thyroid. Pwede ngang sobra yung hormone production, kaya may nararamdaman kayo, pwedeng tamad yung thyroid ninyo kaya eto naman yung nararamdaman ninyo or pwedeng normal, kasi yung mga symptoms ng thyroid natin either in excess or kakulangan, hindi rin po specific for the thyroid”.
Ayon kay Umali kadalasan anya walang sintomas ang Thyroid cancer ngunit dapat agad na magpasuri kung napansing may paglaki ng leeg at pagkakaroon ng bukol , nakararanas ng pananakit ng lalamunan at leeg, pagbabago sa boses tulad ng madalas na pamamalat o pamamaos, hirap sa paghinga at paglunok.
Sinabi pa ni Umali na ang early detection ay may malaking maitutulong upang gumaling sa thyroid cancer.
Bukod dito, ugaliing gawin ang healthy lifestyle sa pamamagitan ng wastong! pagkain, pagiwas sa masamang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Belle Surara