Tig P1-M alokasyon sa mga Kongresista, ipinasok sa 2021 Budget
Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson ang tig-iisang milyong pisong alokasyon ng may 42 Congressional District sa Kamara na nakapaloob sa 2021 Proposed National budget.
Ayon kay Lacson batay sa kanilang ginawang pagbusisi sa budget, ang insertion ay ginawa sa National Expenditure program sa ilalim ng Department of Public Works and Highways. (DPWH).
Ang breakdown aniya ay late na isinumite ng DPWH sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang submission aniya ay ginawa 12 araw pagkatapos ng 30-day period na submission ng NEP noong August 26.
Nauna nang ibinunyag ng Senador ang 396 billion na lumpsum appropriations sa DPWH at mga kwestyonableng local projects gaya ng multi-purpose buildings na taliwas sa Build Build Build program na target ng administrasyon.
Ayon sa Senador, ang 67 billion pesos ang kabuuang pondo para sa mga multi-purpose buildings.
Meanne Corvera