Tiger Woods naging emosyunal sa kaniyang talumpati sa World Golf Hall of Fame induction
Emosyunal na nagbalik tanaw si Tiger Woods sa kaniyang pakikipaglaban sa diskriminasyon noong siya ay bata pa, at ang ibinigay na suporta ng kaniyang mga magulang sa induction ceremony sa World Golf Hall of Fame nitong Miyerkoles (Huwebes sa Maynila).
Si Woods ay pinarangalan dahil sa nakuha niyang 15 major titles, pangalawa sa career-record na 18 ni Jack Nicklaus, at pagkakapanalo ng 82 US PGA Tour titles, kapantay ni Sam Snead para sa all-time record.
Pinasalamatan niya ang mga instructor, caddies, mga kaibigan at pamilya na karamihan ay dumalo sa seremonya — para sa ibinigay sa kaniyang suporta upang maging isang “historic sport career” ang kaniyang childhood dreams.
Ayon kay Woods . . . “I didn’t get here alone. I had unbelievable parents, mentors and friends who supported me in the darkest of times and celebrated the highest of times. It’s actually a team award. All of you allowed me to get here and I just want to say thank you from the bottom of my heart.”
Ang 46 anyos na Amerikano ay kabilang sa apat na pinarangalan sa seremonya sa US PGA Tour headquarters sa Ponte Vedra Beach, Florida, kasama ang dating PGA Tour commissioner na si Tim Finchem, ang namayapa nang pioneer golf course developer na si Marion Hollins at ang four-time women’s major winner na si Susie Maxwell Berning.
Kuwento pa ni Woods . . . “One of the things that drove me was my father Earl’s passion to play the game of golf.”
Naging biktima rin siya ng racism nang hindi siya payagang makapasok sa mga clubhouse, kaya sa parking lot siya nagpapalit ng sapatos.
Aniya . . . “You had to be twice as good to get half a chance (so) I made practice so hard, hurt so much, because I want to make sure I was ready come game time. I was not allowed into the clubhouses. The color of my skin dictated that… As I got older that drove me even more.”
Habang tinuturuan siya ng kaniyang ama ng golf, tinuruan naman siya ng inang Thai na si Kultida na maging matatag sa darating na mga dekada ng kompetisyon.
Wika pa ni Woods . . . “ I would not have become a legend without the sacrifices of mom and dad, who instilled in me this work ethic to fight for what I believe in, to chase after my dreams. Nothing is ever going to be given to you. Everything is going to be earned. If you don’t go out and put in the work, the effort, one you’re not going to get the results and two, and more important, you don’t deserve it. You didn’t earn it.”
Si Woods ay isang three-time US Amateur champion na naging professional noong 1996 sa edad na 20. Noong 1997, napanalunan niya ang Masters sa pamamagitan ng 12 strokes sa isang “epic performance,” para maging unang Black golfer na nanalo ng isang major title. Dalawang buwan makalipas, siya ang naging world’s number one sa unang pagkakataon.
Dinomina na ni Woods ang golf sa sumunod na dekada, kabilang ang apat na magkakaunod na major titles simula noong 2000 US Open at natapos sa 2001 Masters – na tinawag na “Tiger Slam”.
Sa pangkalahatan, si Woods ay limang ulit na nanalo ng Masters, apat na ulit sa PGA Championship, at tig-3 sa US Open at British Open.
May mga dinaanan ding hirap si Woods, gaya ng pagkakaroon niya ng knee at back injuries at sumailalim sa maraming operasyon kaugnay nito, kung saan inisip niya kung magagawa pa ba niyang mabuhay nang walang sakit bago ang kaniyang operasyon noong 2017 na naging dahilan para muli siyang makapaglaro, na tumapos sa limang taong kawalan niya ng panalo, nang siya ay magwagi sa 2018 Tour Championship.
Noong 2019, napanalunan ni Woods ang Masters para sa una niyang major title mula ng 2008 US Open, kung saan niyakap niya ang mga anak na sina Sam at Charlie sa 18th green sa Augusta National gaya ng pagkakayakap niya sa kaniyang mga magulang sa pagwawagi niya sa 1997 Masters.
Nagtamo si Woods ng malubhang leg injuries sa isang single-car crash noong February 2021 at patuloy naman sa kaniyang paggaling, at sinabing umaasa siya na makapaglalaro sa ilang events bawat taon nguni’t hindi naman nagbigay ng timetable para sa posible niyang pagbabalik.
Ang anak na babae ni Woods na si Sam ang nag-introduce sa kaniyang ama, kung saan binanggit niya sa kaniyang remarks ang tungkol sa naturang aksidente.
Ayon kay Sam . . . “We didn’t know if he’d come home with two legs or not. Not only are you being inducted into the hall of fame, but you’re standing here on your own two feet. This is why you deserve this, because you’re a fighter. You’ve defied the odds every time (including) being able to walk just a few months after your crash.”