Tigilan ang suhulan kapalit ng pirma para sa Chacha –Senador Bato
Hinamon ni Senador Ronald bato dela Rosa ang mga Kongresista na nasa likod ng tinawag niyang Politicians Initiative na amyendahan hindi ang saligang batas kundi ang ginagawang umano’y panloloko sa mamamayan sa pangangalap ng lagda.
Ayon sa Senador, malaking panloloko ang ginagawa ng mga nagsusulong ng People’s initiative na umano’y sinusuhulan ang publiko kapalit ng kanilang lagda.
Sinabi ni dela Rosa, bagamat kinikilala nila ang boses ng taumbayan, hindi nila papayagan ang anumang pagbabanta, pamimilit o panunuhol na maglalagay sa kompromiso sa kinabukasan ng mamamayang Pilipino.
Kung talagang may pangangailangan aniya na baguhin na ang ilang probisyon ng konstitusyon, bakit hindi gamiitin ang Constitutional Convention o kaya’y ang Constituent Assembly na nangangailangan ng partisipasyon ng Senador.
“Hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na niloko, pinilit maging iyong nakatanggap ng panunuhol kapalit ang pirma sa isang dokuemnto hindi malinaw kung ano ang reporma lumantad kayo at huwag matakot tulungan ang Senado na pananagutin ang mga nagsamantala sa mga kahinaan” – pahayag ni Senador Ronald dela Rosa
Ayon naman kay Senador Koko Pimentel dahil naglabas ng manifesto ang Senado laban sa People’s Initiative, suspendido na muna ang pagtalakay sa resolution ng both house no 6 na humihiling na buksan at rebisahin ang economic provisions ng saligang batas.
Meanne Corvera