TikTok sa US idinemanda matapos mamatay ang mga batang babae sa ‘Blackout Challenge’
Nakademanda ngayon sa California ang video-sharing sensation na TikTok, matapos may mamatay na mga bata habang nakikilahok sa isang “Blackout Challenge,” kung saan kailangang sakalin ang sarili hanggang sa mahimatay.
Ang demanda na inihain sa korte ng estado sa Los Angeles noong nakaraang linggo, ay nag-aakusa sa TikTok software ng “sinasadya at paulit-ulit” na pagtutulak sa Blackout Challenge na humantong sa pagkamatay ng isang walong taong gulang na batang babae sa Texas at isang siyam na taong gulang na batang babae sa Wisconsin noong nakaraang taon.
Sinabi ni Matthew Bergman, isang abogado sa Social Media Victims Law Center kung saan inihain ang demanda . . . “TikTok needs to be held accountable for pushing deadly content to these two young girls. TikTok has invested billions of dollars to intentionally design products that push dangerous content that it knows are dangerous and can result in the deaths of its users.”
Hindi naman agad na tumugon ang TikTok na pag-aari ng China-based ByteDance, sa kahilingan na sila ay magkomento.
Ayon sa demanda, prinomote ng TikTok ang Blackout Challenge sa bawat isa sa mga batang babae, na namatay sa pagsakal sa kanilang sarili na ang isa ay gumamit ng lubid at ang isa ay panali sa aso.
Isinama rin nito sa talaan ang mga bata sa Italy, Australia at sa ibang lugar na ang mga pagkamatay ay nauugnay sa TikTok Blackout Challenge.
Ang TikTok ay nagtatampok at nagpo-promote ng iba’t-ibang hamon o “challenges,” kung saan kinukunan ng video ng mga user ang kanilang sarili habang nakikilahok sa mga “themed act” na minsan ay mapanganib, delikado o nakadi-disgrasya.
Kabilang sa mga hamon sa TikTok na inilarawan sa mga dokumento ng korte ay ang “Skull Breaker Challenge,” kung saan kailangang sipain ang paa mula sa ilalim habang tumatalon para sila ay bumaligtad at bumagsak ang ulo.
Ayon pa sa mga dokumento ng korte, sa “Coronavirus Challenge” ay kailangan ng user na dilaan ang mga bagay o mga surfaces “in public” noong panahon ng pandemya, habang sa “Fire Challenge” naman ay kailangang buhusan ng flammable liquid ang mga bagay at paapuyin iyon.
The suit calls for a judge to order TikTok to stop hooking children via its algorithm and promoting dangerous challenges, and to pay unspecified cash damages.
Ang demanda ay nanawagan para sa isang hukom na atasan ang TikTok na ihinto ang pag-engganyo sa mga bata sa pamamagitan ng kanilang algorithm at promosyon ng mapapanganib na challenges, at pagbayarin ng hindi tinukoy na cash damages.
© Agence France-Presse