Tinaguriang ‘Poblacion girl’ sinampahan ng reklamo ng PNP-CIDG
Inireklamo na ng PNP CIDG sa Makati city prosecutors office ang tinaguriang poblacion girl na si Gwyneth Chua at walong iba pa matapos tumakas sa quarantine facility sa Makati city.
Kasong paglabag sa mandatory reporting under notifiable diseases ang isinampa ng PNP CIDG laban kay Chua, boyfriend at mga magulang nito at limang staff ng hotel.
Ayon kay Colonel Ryan Glen Silvio ng , PNP CIDG NCR, labag sa batas ang ginawa ni Chua na tumakas sa quarantine dahilan kaya nakapanghawa ng virus.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad , pagdating sa Pilipinas mula sa Amerika , nagcheck-in si Chua sa hotel 11:23 pm noong December 22.
Pero makalipas lang ang halos sampung minuto , sinundo ito ng kanyang ama sakay ng isang suv.
Kumain pa ito sa isang restaurant sa Makati noong gabi ng December 23 at bumalik sa Berjaya hotel alas nueve ng gabi noong December 25.
Si Chua ay nasa isang quarantine facility ngayon matapos magpositibo sa swab test noong December 26.
Ang kaso ay may multang 20 hanggang 50 thousand pesos at parusang pagkakabilanggo mula 1 araw hanggang anim na buwan.
Maari pa raw bumigat ang reklamo laban sa kanya kung magsasampa ng kaso ang mga nahawahan niya ng virus.
Hihilingin na rin ng PNP CIDG na maisailalim ito sa hold departure order.
Meanne Corvera