Tinatawag na double burden of Malnutrition, susugpuin sa pamamagitan ng bagong kaalaman sa nutrisyon – ayon sa FNRI
Nananatili pa ring suliranin ng bansa ang malnutrisyon.
Ito ang lumabas sa survey na ginawa ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI ng Department of Science and Technology o DOST.
Ayon kay FNRI Director Mario V. Capanzana, itinuturing nilang double Burden of Malnutrition ang nararanasan ngayon ng bansa, kung kaya naman, patuloy ang kanilang pagsasaliksik ng mga bagong kaalaman upang ang nasabing suliraning pangkalusugan ay malunasan o masugpo.
Dr. Mario V. Capanzana:
“Unang una sa nakita natin ay ung double burden of malnutrition —malnutrition na nakikita sa mga batang o to five years old. Ito yung kulang sa timbang ayon sa kanyang edad, at ung kulang sa taas ayon sa kanyang edad din, so, eto ung tinatawag nating stunting , meron din tayong nakitang problema dun sa mga tumataba na ating mga kababayan lalong lalo ng sa mga adolescents at saka adults, ito ung gusto nating sugpuin sa pamamagitan ng bagong kaalaman sa nutrisyon. “
Ayon pa kay Capanzana, isa sa dahilan umano ng pagtaas ng kaso ng malnutrisyon sa bansa ay ang kawalan ng accsess ng indigenous people sa serbisyong pangkalusugan tulad ng regular na pagtitimbang, counselling at iba pa.
Pinakamalaking bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon ay mula umano sa Southern Luzon, Eastern Visayas at Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ulat ni Belle Surara