Tinututukan ngayon ng Department of Health ang mga programang makakatulong para mapabuti ang mental health ng mga kabataan.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa isa sa malaking tulong sana para magawa ito, ay ang pagkakaroon ng guidance counselor sa mga pampublikong paraalan.

Ang problema, mismong Department of Education ay aminado na kulang sila ng guidance counselors.

Sa datos ng DepEd, nasa humigit kumulang 2 libong guidance counselors lang ang available para sa may 28 milyong estudyante sa bansa.

Bagamat nasa 5,300 umano ang authorized positions para sa registered guidance counselors ang problema wala namang nag-a-apply.

Kinalampag ni Herbosa ang Civil Service Commission na itaas ang sweldo ng mga psychologists at guidance counselors working na nagtatrabaho sa gobyerno.

Ayon sa kalihim, ang kakulangan ng mga clinical psychologist at psychiatrist sa bansa ay maituturing na isang malaking black hole sa sektor ng kalusugan.

“Ang problema natin sa psychology sa gobyerno kailangan may Master Degree pero ang ibibigay na salary Salary Grade 11.” pahayag ni Secretary Herbosa

“Ang guidance counselor ganun din… Salary Grade 11? Mali yun. So I’m calling on CSC to change that. Ang nurse Salary Grade 15 eh wala pang Masters yun. Dapat mataas yan… That should be SG 15 or higher.” paliwanag pa ng Kalihim

Ang salary grade 11 ay may katumbas na 27 thousand pesos na sweldo..habang ang salary grade 15 naman ay may katumbas na 36,619 pesos.

Una rito, inilunsad ng DOH at World Health Organization ang 2024-2028 Philippine Council for Mental Health strategic framework.

Sa ilalim nito ay tinatalakay ang mga polisiya para sa mga programa patungkol sa mental health at paano masosolusyunan ang mental illnesses.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *