TNT players palalakasin ang World Cup qualifiers squad

Photo: pna.gov.ph

Isasama na ang mga manlalaro mula sa TNT Tropang Giga ng Phil. Basketball Association (PBA) sa Gilas Pilipinas, sa FIBA World Cup Qualifiers (WCQ) window ngayong February 24-28, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Inaprubahan ng PBA board of governors ang proposal ng bagong Gilas coach na si Chot Reyes para sa kaniyang TNT players, na palakasin ang national team dahil sa limitadong training period.

At para ma-accomodate ang TNT core national team commitment, sinabi ng board na karamihan sa nalalabing pitong laro ng koponan sa PBA Governor’s Cup, ay dapat na malaro kaagad sa sandaling magsimula na ang kumperensiya sa February 11.

Ayon kay PBA board chair Ricky Vargas ng TNT . . . “I’m very pleased to say that the PBA once again will adjust its schedule to allow some players from Talk’ N Text to play with Gilas not only during the window but also during the pracrice. It was a unanimous decision of the board to support such thing.”

Ang bilang ng Tropang Giga players na isasama sa Gilas ay dedepende sa kung ilan mula sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers ang makararating sa WCQ team.

Ayon kay Samanang Basketbol ng Pilipimas president Al Panlilio, kinatawan ng Meralco sa PBA board, limang manlalaro na kinabibilangan nina Ange Kouame, Tzaddy Rangel, Will Navarro, JD Tungcab at Juan Gomez De Liaño ang pumasok na sa training bubble sa Mount Malarayat Golf and Country Club sa Lipa, Batangas kung saan din nagsasanay ang TNT.

Samantala, si Dwight Ramos ay darating naman sa Biyernes mula sa Japan Basketball League na ngayon ay naka-break, at inaasahang papasok siya sa bubble sa Sabado.

Sinabi ni panlilio na ang pagsasama ng Gilas at ng magagaling na manlalaro ng kasalukuyang Philippine Cup champion, ay patunay na hindi nagpapaka-kampante ang Gilas sa qualifying phase, kahit pa ang Pilipinas ay kabilang host nations ng 2023 FIBA World Cup.

Aniya . . . “It is preparatory to a good showing hopefully in August 2023, so we want to take all the windows seriously.”

Please follow and like us: