‘Top Gun’ nanguna sa North American box office
Number one movie ngayon sa North America ang Top Gun: Maverick makaraang kumita ng $124 million sa unang linggo ng pagpapalabas nito sa takilya.
Tatlompu’t anim na taon ang ipinaghintay ng mga manonood para makita ang sequel sa orihinal na “Top Gun,” pero sulit naman ito ayon sa mga kritiko at sinabi pang mas maganda ang Paramount/Skydance production sequel kaysa orihinal na pelikula.
Ayon sa analyst na si David A. Gross ng Franchise Entertainmentt Research . . . “The source material remains strong, the execution is excellent, and Tom Cruise makes it work impeccably well.”
Ang sequel — na ang pagpapalabas ay naantala ng dalawang taon sanhi ng pandemya ng Covid-19 — ay kumita ng $124 million para sa unang tatlong araw ng holiday weekend sa US at kaparehong halaga rin ang kinita sa ibang bansa, kahit na hindi ito ipinalabas sa China o Russia.
Nasa No. 2 naman ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness na kumita ng $16.4 million, sinundan ito ng The Bob’s Burger’s Movie sa No.3 na may kitang $12.6 million, No. 4 ang Downtown Abbey: A New Era na kumita ng $5.9 million at ang The Bad Guys ang nasa No. 5 na kumita ng $4.6 million.
Narito naman ang kukumpleto sa Top 10:
Sonic the Hedgehog 2 – No. 6 ($2.52 million)
Everything Everywhere All at Once – No. 7 ($2.51 million)
The Lost City – No. 8 ($1.8 million)
Men – No. 9 ($1.2 million)
Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore – No. 10 ($1 million)
Ang kinita ng takilya para sa Top 10 movies ay $172.6 million, kumpara sa kinita noong isang linggo na $71.5 million.