Tortured domestic worker sa Hong Kong, humihingi ng kompensasyon
Isang babaeng Indonesian na dumanas ng araw-araw na “torture” habang nagtatrabaho bilang isang domestic worker sa Hong Kong, ang nagtungo sa korte upang humingi ng kompensasyon sa kaniyang mga amo para sa kaniyang pagpapagamot na nagdulot sa kaniya ng mentral trauma at pisikal na mga pilat sa katawan.
Ang abusong dinanas ng 40-anyos na si Kartika Puspitasari, ay naging laman ng headlines isang dekada na ang nakalilipas at nagbunsod ng mga protesta tungkol sa pagtrato sa foreign helpers sa Hong Kong.
Si Puspitasari ay dumanas ng dalawang taong kalupitan at pamamahiya sa kamay ng kaniyang mga amo na nakulong matapos mahatulan, kabilang na ang pagpaso sa kaniya ng plantsa at pambubugbog sa kaniya gamit ang kadena ng bisikleta.
Sa isang press conference ay sinabi ni Kartika, “I still feel a heavy trauma that makes me emotionally vulnerable, I often have nightmares and tremble whenever I see people who look like my former employers. I lost my confidence and also feel insecure because of the visible scars on my body, which are still sore and painful. At the time, I was so desperate… I had no friends, couldn’t contact anyone and was tortured every day.”
Aniya, umuwi siya noong 2014 nang hindi nakatanggap ng bayad para sa dalawang taon niyang pagtatrabaho dahil hindi naman ibinibigay ng kaniyang mga amo ang buwanan niyang suweldo.
Sa tulong ng mga aktibista, nakabalik siya sa Hong Kong nitong Huwebes upang tumestigo sa korte para humingi ng mahigit HK$930,000 ($119,000) sa mga nang-abuso sa kaniya.
Ang Hong Kong ay tahanan ng nasa 340,000 migrant domestic workers, na karamihan ay mga babaeng mula Indonesia at Pilipinas.
Matagal nang argumento ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao, na ang mga ito ay lubhang mahina laban sa iba’t ibang anyo ng pang-aabuso at pagsasamantala.
Sinabi ni Eni Lestari, tagapagsalita ng Asian Migrant Coordinating Body sa Hong Kong, “Kartika’s case was extreme, but not an isolated one. Abused migrant workers often lack proper food and rest — a situation made worse by the pandemic which gave employers excuses to keep helpers in the house.”
Ayon sa mga aktibista, “Hong Kong’s system, which requires domestic workers to live in their employers’ households and paid a minimum monthly salary of HK$4,730, was akin to modern slavery. It is common for victims not to speak out because they cannot afford to seek redress in Hong Kong, especially when their visas expire at the end of their contracts.”
Ang mga dating amo ni Kartika, na nakumpleto na ang sentensiya makaraang makulong ng tatlo at kalahating taon at lima at kalahating taon, ay hindi nagpakita sa korte nitong Huwebes para sa civil suit na isinampa ni Kartika laban sa kanila.
© Agence France-Presse