Toshiba, planong hatiin sa tatlo ang kompanya
Inaprubahan ng Toshiba board ang planong hatiin ang Japanese conglomerate sa tatlong kompanya, kasunod ng tensyon sa shareholders at isang kontrobersiyal na takeover offer.
Ang anunsiyo ang kumumpirma sa mga naunang ulat na nagsasabing “under pressure” ngayon ang management mula sa shareholders para i-maximise ang halaga ng kompanya sa pamamagitan ng paghahati-hati rito.
Layon ng plano na ihiwalay ang dalawang kompanya mula sa iba pang operasyon ng Toshiba, isa rito ay nakapokus sa infrastructure at ang isa ay nakapokus sa mga device.
Ayon sa pahayag ng Toshiba . . . “The move is expected to take two years, with the goal of listing both new companies. The separation allows each business to significantly increase its focus and facilitate more agile decision-making and leaner cost structures.”
Ang desisyon ay ginawa makaraan ang ilang buwang kaguluhan sa kompanya, kabilang ang pagpapatalsik sa board chairman at mga rebelasyon na nais ng management na kunin ang tulong ng gobyerno para pigilan ang pagkilos ng mga shareholder.
Ayon sa analysts, resulta ito ng pressure mula sa mga aktibistang investor na naniniwalang ang hakbang ay makapagpapalaki sa halaga ng shares ng Toshiba.
Ayon sa LightStream Research analyst na si Mio Kato . . . “They want moves to shake the company up and get investors to reevaluate it and hopefully get a higher share price.” (AFP)