Total lockdown sa mga turista, ipinatutupad sa Mayon Planetarium sa Tabaco City

Ipinatutupad na ang total lockdown sa Mayon Planetarium sa Barangay Buang sa Tabaco City dahil sa mga ipinakikitang aktibidad ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Legazpi City Mayor Krisel Lagman Luistro, hindi na pinapayagang pumasok sa lugar ang mga turista maging ang mismong mga empleyado para na rin sa kanilang kaligtasan.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang mga local disaster management officials sa Phivolcs at Albay public safety and emergency management office o APSEMO upang mabantayang mabuti ang mga pagbabago sa aktibidad ng bulkan.

Aabot sa 90 porsyento ng populasyon ng Barangay Magapo sa Tabaco city ang nakapaloob sa 6 kilometer radius permanent danger zone na inilikas na rin.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *