Trabaho ng PNP na mapanatili ang peace and order hindi dapat i-outsource – Senators
Hindi dapat ina-outsource ng pambansang pulisya ang kanilang tungkulin na mapanatili ang peace and order.
Ito ang iginiit ng mga Senador sa mungkahi ng pangulo na armasan ang mga sibilyan para makatulong sa pagsawata ng krimen.
Igiiniit ni Senador Joel Villanueva na sa halip na payagan ang mga sibilyan, dapat paigtingin ng PNP ang police visibility.
Iminungkahi niya ring gawing aktibo ang hotline service para agad makaresponde sa tawag ng publiko.
Mungkahi ni Senador Risa Hontiveros, regular na makipag-ugnayan sa mga komunidad at alamin ang pangangailangan sa seguridad ng isang lugar.
Iginiit ni Hontiveros na hindi maganda ang timing ng “suggestion” ng Palasyo lalo’t papalapit ang eleksyon at mistulang dinadagdagan ng PNP ang alinlangan ng mga mamamayan.
Hindi aniya kaila sa impormasyon ng lahat ang mga private armies at militia na siyang nakikinabang sa paglaganap ng loose firearms.
Meanne Corvera