Trabaho sa mga pribado at pampublikong tanggapan sa Canlaon City sa Negros, suspendido
Kinansela na ng local government unit (LGU) ng Canlaon City sa Negros, ang pasok ng lahat ng nagtatrabaho sa pribado man o pampublikong tanggapan simula ngayong Martes, Hunyo 4.
Nakasaad ito sa executive order na inilabas kagabi ni Canlaon City Mayor Jose Chubasco Cardenas, kasama na rin ang utos ng paglikas ng mga residenting nakatira malapit sa paanan ng bulkan.
Delikado aniya sa kalusugan ng sinuman ang mga ibubuga ng bulkan, at posibleng lalawak pa ang pinsala nito sa Negros island.
Sisikapin naman ng pamahalaang lokal na makahanap ng mga lugar para sa mga pamilyang lilikas dahil sa kalamidad, para maingatan ang kalusugan at karapatan ng mga evacuee.
Ely Dumaboc