Traditional politics babalik umano kapag nanalo si BBM sa halalan
Manunumbalik lamang umano ang traditional politics kung si dating Senador at presidential aspirant Bongbong Marcos ang mananalo sa May 2022 elections.
Resulta ito ng non- commissioned survey ng Tangere, isang award winning team na nagbibigay ng real time actionable insights sa public at private sector.
1,200 respondents ang sinurvey mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, 52% ang nagsabi na hindi umano aangat ang kanilang buhay kung mananalo si Marcos.
Ayon kay Tangere CEO at founder Martin Peñaflor, mga mahihirap na sektor ang tinarget ng survey kanilang na naghahanap ng alternatibong leader gaya nina Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao ang hanap ng mga ito.
Naniniwala rin aniya ang mga taga Metro Manila na bumoto noon kay dating Sen. Mar Roxas na kung nanalo ito noong 2016 ay wala ring magiging pagbabago sa bansa.
Nasa 30% aniya ng mga sinurvey ay naniniwala na isang strong leader si BBM.
Madelyn Moratillo