Train network ng France, nabiktima ng sabotahe ilang oras bago ang Olympic ceremony
Nabiktima ng sabotahe ang TGV high-speed train network ng France, sa isang serye ng mga pag-atake sa buong bansa na nagdulot ng kaguluhan sa mga biyahero at naglantad sa kakulangan sa seguridad bago ang opening ceremony ng Paris Olympics, nitong Biyernes.
Nangyari ang coordinated sabotage habang nagsasagawa ang France ng malawakang operasyong panseguridad, na kinapapalooban ng libu-libong mga pulis at sundalo upang pangalagaan ang kabisera para sa sporting extravaganza.
Ayon sa SNCF, ang state-owned railway operator, sinira ng mga vandal ang signal substations at mga kable sa kahabaan ng mga linyang nagdurugtong sa Paris at mga siyudad gaya ng Lille sa hilaga, Bordeaux sa kanluran at Strasbourg sa silangan. Isa pang pag-atake sa Paris-Marseille line ang napigilan.
Wala namang agad na umako ng responsibilidad. Sinabi ng dalawang security sources, na ang modus operandi ay nangangahulugan na ang mga unang hinala ay tumutukoy sa leftist militants o environmental activists, ngunit wala pa anilang anumang ebidensiya.
Ayon naman sa prosecutor’s office ng Paris, ang imbestigasyon ay pangangasiwaan ng kanilang organised crime office, kasama ang anti-terrorist sub-directorate (SDAT), isang branch ng judicial police na tipikal na nagmomonitor sa hard-left, extreme-right at radical environmental groups.
Tumanggi si Prime Minister Gabriel Attal na magbigay ng palagay tungkol sa posibilidad na ang nabanggit na mga grupo ang nasa likod ng sabotahe.
Aniya, “What we know, what we see, is that this operation was prepared, coordinated, that nerve centres were targeted, which shows a certain knowledge of the network to know where to strike.’
Samantala, panandaliang nasuspinde ang mga operasyon sa Basel-Mulhouse airport sa border ng France sa Switzerland dahil sa isang bomb alert.
Ang rail attacks sa TGV high-speed ay naging sanhi upang ma-stranded sa mga istasyon ang libu-libong katao.
Hinimok ng SNCF ang mga biyahero na ipagpaliban ang kanilang paglalakbay. Nagsasagawa na ng mga pagkukumpuni, ngunit ang daloy ng rail traffic ay maaaring lubhang maabala na maaaring tumagal hanggang bukas, Linggo.
Sinabi ng isang 39-anyos na si Xavier Hiegel, 39, na pauwi na sana siya at hindi makapaniwalang may mga taong gustong pinsalain ang Olympics.
Aniya, “The Games bring jobs so this really is nonsense. I hope the people responsible will be found and punished.”
Ayon sa SNCF, ‘The attacks hit signalling installations on the Atlantic, Northern and Eastern high-speed lines with fires set off by explosive devices.”
Sinabi ni SNCF chief Jean-Pierre Farandou, na mahigit sa 800,000 customers ang naapektuhan at libu-libong rail staff naman ang idineploy upang magsagawa ng pagkukumpuni sa naging kasiraan.
Pahayag naman ni Valerie Pecresse, pangulo ng Paris region, “This attack is not a coincidence, it’s an effort to destabilise France.”
Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Paris 2024 sa SNCF upang i-assess ang sitwasyon. At dahil sa nangyaring mga pag-atake, mahihirapang bumiyahe ang mga taong magpupunta sa Paris galing sa iba’t ibang lugar sa France.
Ayon sa isang Parisian na si Brigitte Dupont, “It’s a disaster. Today is the opening of the Olympic Games, a huge event that was supposed to be magnificent, and this is spoiling people’s joy.”