Training para sa makabagong teknik sa pagtatanim, isinagawa
Isang training sa Mat Nursery Preparation at paggamit ng mechanical transplanter, ang isinagawa sa Barangay Culipat sa Tarlac City.
Dito ay tinuruan ang mga magsasaka sa paggawa ng mat nursery rice na gagamitin sa pagtatanim.
Courtesy: Tarlac City PIO
Nagkaroon din ng demonstrasyon sa wastong pamamaraan ng paggamit sa mechanical transplanter sa mga ito, upang mabawasan ang tinatawag na “uprooting shock of seedlings.”
Tinuruan din ang mga magsasaka kung paano mag-maintain ng espasyo upang mabawasan ang “workload stress” at panganib sa kalusugan ng mga magsasaka.
Courtesy: Tarlac City PIO
Sa pamamagitan ng mga nabanggit na training, ay mapabibilis na ang pag-aani ng palay at makatitipid sa gastos sa labor, kumpara sa manual transplanting.
Aldrin Puno