Trans fatty acid foods bawal na simula ngayong araw, ayon sa kautusan ng DOH, FDA
Simula ngayong araw, June 19, mahigpit nang ipagbabawal ang paggamit ng trans fatty acids sa mga industrially produced pre-packaged and processed foods sa buong bansa.
Batay ito sa Department of Health (DOH) Administrative Order 39, series of 2021 at Food and Drug Administration (FDA) Circular 28, series of 2021.
Nakasaad sa kautusan ang atas sa mga food manufacturers na i-reformulate at alisin ang mga trans fat sa mga ginagawang pagkain.
Binigyan ng DOH at FDA nang hanggang ngayong araw, June 19, 2023 ang food manufacturers para sumunod sa kautusan at ang mga susuway ay mahaharap sa kaukulang parusa.
Kaugnay nito, inilunsad ang Batay Kontra Trans Fat na binubuo ng mga abogado, doktor, nutritionists at mga consumer upang i-monitor ang compliance ng food manufacturers sa kautusan ng DOH at FDA.
Inihayag ni Dr. Luigi Segundo ng Philippine Hearth Association (PHA), na ang pagbabawal sa paggamit ng trans fat sa mga pagkain ay magbibigay daan upang maalagaan ang kalusugan ng publiko mula sa panganib ng cardiovascular diseases na pangunahing pumapatay sa mga Pilipino.
Lumabas sa pag-aaral ng mga dalubhasa na tradisyunal na nagtataglay ng mataas na trans fatty acids ang margarine, coffee creamer, baked products tulad ng donuts at cookies.
Vic Somintac