Travel ban sa mga bansang may COVID outbreak , Hindi makakatulong at hindi na kailangan ayon sa Health expert
Hindi pabor ang infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana na magpatupad ng travel ban ang gobyerno sa mga bansang nakakaranas ngayon ng surge ng COVID-19 infection.
Paliwanag ni Salvana na miyembro rin ng Technical Advisory Group ng Department of Health, mabigat ang pagpapatupad ng travel ban lalo at mas maraming Overseas Filipino Workers ang nais makauwi ngayon sa bansa.
Iginiit ni Salvana , mataas naman na ang antas ng vaccination sa bansa na sa kanyang palagay ay sapat nang proteksyon.
Bukod rito, tuloy parin naman ang pre departure testing sa mga Pinoy at dayuhang nais makapasok sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, mahigit 65 million na ang fully vaccinated sa bansa, habang mahigit 11 million naman ang nakapagpa booster na.
Dahil sa mababang bilang ng nagpapa booster, patuloy ang panawagan ng pamahalaan at mga health expert sa bansa sa mga nakatanggap na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine 3 buwan na ang nakalipas na magpaturok na ng ikatlong dose ng bakuna para sa mas mataas na proteksyon laban sa virus.
Madz Moratillo