Travel restriction ng Pilipinas sa mga bansang may mataas na kaso ng delta variant ng COVID-19, pinalawig ng Malakanyang hanggang July 31
Pinagtibay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force o IATF na palawigin pa hanggang July 31 ang pagpapatupad ng travel restriction sa mga bansang mayroong mataas na kaso ng Delta variant ng COVID 19 na magpapaso na sa July 15.
Sa pamamgitan ng IATF resolution 126 patuloy na ipatutupad ng Pilipinas ang travel restriction sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emerates at Oman dahil sa mataas na kaso ng Delta variant ng COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na mayroon naring rekomendasyon kay Pangulong Duterte ang IATF para magpatupad narin ng travel restriction sa Indonesia at Thailand dahil sa lumalalang kaso ng Delta variant ng COVID 19.
Ayon kay Roque hintayin na lamang ang desisyon ng Pangulo sa rekomendasyon ng IATF para sa travel restriction sa Indonesia at Thailand.
Inihayag ni Roque maglalabas din ng pasya ang Pangulo kung anong bagong quarantine classification ang ipatutupad sa ibat-ibang panig ng bansa partikular na sa National Capital Region o NCR plus sa July 16 hanggang July 31.
Vic Somintac