Trece Martires City Mayor Gemma Lubigan, tiniyak na lahat ng mga residente nito na naapektuhan ng ECQ ay makakatanggap ng ayuda
Tiniyak ng mga opisyal sa Trece Martires City Cavite na lahat ng mga residente nito sa lungsod ay makakatanggap ng ayuda na naapektuhan ng ECQ sa buong Cavite.
Ayon kay Trece Martires City Cavite Mayor Gemma Lubigan, nasa one hundred seventy-nine million, five hundred seventy-seven thousand pesos (P179,577,000) ang halaga ng pondong inilaan ng National Governmet para sa kanilang lungsod.
Ayon pa sa Alkalde, naibigay na rin sa kanila ang guidelines at pinag aralan na kung paano susundin at maipamamahagi ng maayos ang ayuda para sa mga residente ng Trece Martires.
Sinabi pa ng alkalde na nagkaroon na ng pagpupulong ang kaniyang mga opisyal grupo at napagdesisyunan na lahat ng indibidwal o pamilya na nakatira sa lungsod ay bibigyan ng ayuda, botante man o hindi.
Ipinaliwanag rin ni Lubigan na ang pinagbasehan ng listahan ay mula sa Community Based Monitoring System o CBMS ng lungsod na pinasagutan noong nakaraang taon.