Trillanes may ebidensya na magdadawit sa son in law ni Pangulong Duterte sa operasyon ng droga
Ilalabas na ni Senador Antonio Trillanes ang mga hawak na ebidensiya na umano’y mag-uugnay sa son in law ni Pangulong Duterte na si Manases Carpio sa Narcotics drug trade.
Ayon kay Trillanes, gagawin nya ito oras na sumipot sa pagdinig sa Huebes sina Carpio at Vice Mayor Paolo Duterte.
Iginiit ni Trillanes na may impormasyon siya na ang Davao group kung saan kabilang sina Carpio at Duterte ang nag facilitate at nagbigay ng bribe money para mapalusot sa bureau of customs ang kanilang mga shipment.
Sa Huebes inaasahang dadalo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa 600 kilos ng shabu ang magbayaw na sina Paolo Duterte at Manases Carpio.
Naniniwala naman si Trillanes na maibabasura lang ang reklamo na isinampa laban sa kanya ni Senador Richard Gordon sa Committee on Ethics.
Ulat ni: Mean Corvera