Tripleng pagtataas ng suweldo ng mga Philhealth executive iimbestigahan ng Kamara
Naghain ngayon ng resolusyon si anakalusugan partylist representative Ray Reyes upang imbestigahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang umanoy pagsasamantala ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance o PHILHEALTH matapos itaas ng triple ang kanilang suweldo.
Ito ang House Resolution 1261 na naglalayong alamin ang dahilan mg pagtataas ng suweldo ng mga Philhealth executives ng triple sa kasagsagan ng pananalasa ng pandemya ng covid 19 batay sa inilabas na audit report ng Commission on Audit o COA.
Ayon sa mambabatas tila walang delicadeza ang mga opisyal ng Philhealth na unahin ang kanilang kapakanan samantalang hindi maibigay ang tamang health care service assistance sa mga miyembro na tinaasan pa ang kanilang premium contributions.
Ang COA report na tumaas ng triple ang suweldo ng mga philhealth executives ay kinumpirma mismo ni Philhealth President and chief executive officer Emmanuel Ledesma, Jr., sa budget hearing ng house committee on Appropriations sa 2024 proposed budget ng Department of Health o DOH.
Vic Somintac